Post

Wilth Thou Be Made Whole

God wants His people to be made whole in body, soul, spirit, family, finances, and service for the harvest.

Wilth Thou Be Made Whole

Do You Want To Be Made Whole?

Sa John chapter 5, may isang lalaking matagal nang may karamdaman. Thirty-eight years na siya sa kanyang kalagayan. Matagal na siyang nakahiga. Matagal na siyang naghihintay. Matagal na siyang may dinadala sa kanyang katawan at sa kanyang buhay.

The Bible says:

“And a certain man was there, which had an infirmity thirty and eight years.”

John 5:5

Then Jesus saw him. Alam ng Panginoon ang kanyang kalagayan. Alam ng Panginoon kung gaano na siya katagal sa ganoong sitwasyon.

“When Jesus saw him lie, and knew that he had been now a long time in that case, he saith unto him, Wilt thou be made whole?”

John 5:6

Ang tanong ng Panginoon ay simple, pero malalim:Wilt thou be made whole?Gusto mo bang gumaling? Gusto mo bang maging buo? Gusto mo bang maging maayos ang buhay mo?

Hindi lang ito tungkol sa physical healing. Ang nais ng Panginoon ay buong pagkatao. Body, soul, and spirit. Pamilya. Pananalapi. Kaisipan. Relasyon. Pananampalataya. Lahat ng aspeto ng buhay mo ay nais ng Diyos na hipuin at ayusin.

Kaya ang tanong sa atin ngayon:Do you want to be made whole?


God Knows How Long You Have Been In That Case

May mga bagay sa buhay natin na matagal na nating dinadala. May mga karamdaman, may mga kabigatan, may mga struggles, may mga sitwasyon na paulit-ulit, at minsan pakiramdam natin walang nakakakita.

Pero nakita ng Panginoon ang lalaki sa John 5. Alam Niya na matagal na siyang nasa ganoong kalagayan. Hindi na kailangang ipaliwanag ng lalaki ang lahat bago siya makita ni Jesus. The Lord already knew.

Ganun din sa atin. Alam ng Panginoon ang kalagayan mo. Alam Niya kung gaano mo na katagal pinagtitiisan ang mga bagay na dinadala mo. Nakikita ng Panginoon ang lahat ng bagay.

Be encouraged today. God will make a way.

Ang Panginoon ay hindi basta pumapasok sa buhay ng tao nang walang pahintulot. He is the author of good manners and right conduct. Tatanungin ka Niya: gusto mo ba? Papayagan mo ba Akong gumawa sa buhay mo? Kung bubuksan mo ang puso mo at hahayaan mo Siya, malaya Siyang kikilos sa iyo.

Gusto mo bang gumaling? Gusto mo bang maging buo? Gusto mo bang maging maayos ang buhay mo?


Whole Means Complete

Kapag sinabi nating whole, ibig sabihin ay buo, complete, full, total. Walang kulang. Walang exemption. It speaks of the entirety of a thing.

Being made whole is not only the absence of sickness. It is the work of God touching the full extent of your life.

May physical health. May emotional health. May mental health. May spiritual health. May relational health. May financial health. Lahat ng ito ay mahalaga, sapagkat ang tao ay hindi lamang katawan.

We are not just physical beings. We also have a soul and a spirit.

Ang tao ay may body, soul, and spirit. The body is the physical part. The soul carries conscience, reasoning, character, and personality. The spirit is the inner man, the invisible part of our being.

Kaya kapag sinasabi ng Diyos na nais Niyang ikaw ay maging whole, hindi lamang ito tungkol sa katawan. Nais Niya na ang buong pagkatao mo ay ma-preserve blameless hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesus Christ.


Prosper And Be In Health

Ang salita ng Diyos ay malinaw:

“Beloved, I wish above all things that thou mayest prosper and be in health, even as thy soul prospereth.”

3 John 1:2

I wish above all things. Higit sa lahat ng bagay. Na ikaw ay mag-prosper at maging in health, even as thy soul prospereth.

Dalawang bagay ang madalas na pumapasok sa isip ng tao kapag sinabing prosperity: physical health and physical wealth. Pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang prosperity of the soul. Ang buhay sa espiritu. Ang kaluluwa na lumalago sa Panginoon.

You can prosper materially. You can prosper financially. Pero kung ang kalusugan mo ay bagsak, mahirap ma-enjoy ang mga bagay na iyon. May pera ka nga, may magaganda kang gamit, pero kung nakahiga ka at hindi mo magamit ang lakas mo, ano ang halaga?

At kung prosper ka physically and financially, pero ang kaluluwa mo naman ay hindi lumalago sa Diyos, kulang pa rin. Hindi iyon whole. Hindi iyon buo.

God wants you to prosper in every aspect of your life. But above all, He wants your soul to prosper.


Preserved Blameless Until The Coming Of The Lord

Sinabi rin ng salita ng Diyos:

“And the very God of peace sanctify you wholly; and I pray God your whole spirit and soul and body be preserved blameless unto the coming of our Lord Jesus Christ.”

1 Thessalonians 5:23

The very God of peace, and that is Jesus Christ, sanctify you wholly. Buong-buo. Spirit, soul, and body.

Hindi lamang ngayon, kundi hanggang sa pagdating ng Panginoong Jesus Christ. We must be preserved blameless unto the coming of the Lord.

Madalas sa church, ang focus natin ay spiritual matters. Faith, prayer, fasting, worship, doctrine, holiness. Tama iyon, at kailangan iyon. Pero kamusta ang katawan natin? Kamusta ang kalusugan natin? Kamusta ang isip natin? Kamusta ang paraan ng pamumuhay natin?

Kung nais nating makapaglingkod nang mas mabuti sa Panginoon, kailangan din nating ingatan ang katawan na ipinagkatiwala Niya sa atin.

Health is also God’s will for you. Kalooban ng Diyos na ikaw ay malusog. Kalooban ng Diyos na maging maayos ang buong pagkatao mo.


The Word Of God Must Govern The Whole Man

Kapag tayo ay born again of water and of the Spirit, hindi na tayo ang dating pagkatao. The Bible says we are new creatures in Christ. Behold, all things are become new.

Ang new man ang dapat mamahala. Ang espirituwal na buhay ang dapat mag-control sa old man, sa dating paraan ng pag-iisip, sa dating desires, sa dating ugali.

Our character reflects how much influence the Spirit has in us. Kapag sinasadya nating ilagay ang salita ng Diyos sa ating puso at espiritu, lumalakas ang inner man. At habang lumalakas ang spirit man, mas nagkakaroon tayo ng kakayahan na gumawa ng godly decisions.

Kaya hindi sapat na napapakinggan lamang natin ang salita. We must obey it.

The Word says:

“But be ye doers of the word, and not hearers only, deceiving your own selves.”

James 1:22

Kung tagapakinig ka lamang at hindi tagagawa, dinadaya mo ang sarili mo. Wala tayong mapapala kung naririnig natin ang salita ng Diyos pero hindi natin isinasabuhay.

Kapag sinabi ng salita ng Diyos, gawin natin. Magpasakop tayo sa authority ng Word of God.


This Book Of The Law

Joshua 1:8 is a powerful scripture about true success:

“This book of the law shall not depart out of thy mouth; but thou shalt meditate therein day and night…”

Joshua 1:8

Hindi lamang meditate. Hindi lamang basahin. Hindi lamang sabihin. Ang sabi:

“…that thou mayest observe to do according to all that is written therein…”

Joshua 1:8

Observe to do. Gawin ang nakasulat. Isabuhay ang salita.

Then the promise follows:

“…for then thou shalt make thy way prosperous, and then thou shalt have good success.”

Joshua 1:8

Do you want good success? Then let the Word of God remain in your mouth, in your mind, in your heart, and in your actions.

Ang evidence ng spiritual prosperity ay hindi lamang dami ng alam. It is that we live in truth. We walk in truth. God dwells in us, and the Holy Ghost is working in us and for us.


The Prosperity Of The Wicked Has An End

May prosperity rin ang wicked. Nakita iyan ni David.

Sa Psalm 73, sinabi niya na muntik nang madulas ang kanyang paa dahil nainggit siya sa prosperity of the wicked. Nakita niya ang mga taong gumagawa ng kasamaan, pero tila masagana. Parang hindi sila nahihirapan. Parang sobra-sobra ang nasa kanila.

Sabi niya:

“For I was envious at the foolish, when I saw the prosperity of the wicked.”

Psalm 73:3

May mga tao na yumayaman sa maling paraan. May mga taong gumagawa ng kalokohan, kasalanan, corruption, at kung titingnan mo sa labas, parang sila pa ang umaangat. Samantalang ikaw, gusto mong maglingkod sa Panginoon, gusto mong maging tapat, gusto mong gawin ang kalooban ng Diyos, pero dumadaan ka pa rin sa hirap.

Masakit iyon. David said it was too painful for him.

Pero nagbago ang kanyang pagtingin:

“Until I went into the sanctuary of God; then understood I their end.”

Psalm 73:17

Nang pumasok siya sa sanctuary ng Diyos, doon niya naunawaan ang dulo ng lahat. Thank God, we know how these things will end. Dahil alam natin ang magiging dulo ng wickedness, we are motivated to live according to the Word of the Lord.

Kaya huwag tayong mainggit sa maling prosperity. Ang kailangan natin ay whole prosperity, pagpapala na may kasamang katuwiran, kabanalan, kalusugan, at paglago ng kaluluwa.


As Long As He Sought The Lord

May prinsipyo sa 2 Chronicles 26:5:

“…and as long as he sought the Lord, God made him to prosper.”

2 Chronicles 26:5

Hangga’t hinahanap niya ang Panginoon, pinagpapala siya ng Diyos.

Continue seeking the Lord. Continue seeking the kingdom of God. Continue seeking His righteousness. Napakahalaga ng pagtutuloy. Napakahalaga ng pagpapatuloy.

Jesus said:

“But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.”

Matthew 6:33

That simple. Hanapin natin ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran. All these things will be added unto you.

Ang Panginoon ay hindi nauubusan ng resources. His hand is not shortened. Hindi Siya kulang. Hindi Siya nagkulang sa atin. Kahit pakiramdam natin kulang tayo, hindi nagkukulang ang Diyos.


At The Pool Of Bethesda

John chapter 5 tells us about the pool called Bethesda. Maraming may karamdaman ang nandoon: blind, halt, withered. They were waiting for the moving of the water.

May paniniwala sila na kapag ginalaw ng anghel ang tubig, ang unang makababa sa pool ay gagaling. Kaya lahat sila naghihintay.

Pero isipin natin ang lalaki na thirty-eight years nang may infirmity. Nakahiga siya. Papaano siya mauuna? Ang dami niyang kasabay. Ang daming unahan. Ang daming tao na naghihintay din ng pagkakataon.

Pero dumating si Jesus.

Hindi na niya kailangang mauna sa tubig, sapagkat ang mismong Healer ang lumapit sa kanya. Hindi na niya kailangang makipag-unahan, sapagkat nakita siya ng Panginoon.

The Lord saw his need. The Lord saw the desire of his heart. At ang tanong sa kanya:Wilt thou be made whole?

Ganyan din ang Panginoon sa atin. He wants to heal us physically, emotionally, relationally, mentally, spiritually. May mga broken relationships na kailangang ayusin. May mga sugat sa puso na kailangang pagalingin. May mga katawan na nangangailangan ng lakas. May mga kaisipan na kailangang mapayapa. May mga kaluluwa na kailangang lumago.


Made Whole For The Work Of God

Bakit mahalaga na tayo ay maging whole? Sapagkat nais ng Panginoon na tayo ay maging kapaki-pakinabang sa Kanyang kaharian.

When you prosper and you are in good health, you are able to do more for God. You are able to serve better. You are able to labor more in the kingdom of God.

The Bible says:

“…but the people that do know their God shall be strong, and do exploits.”

Daniel 11:32

How can a weak person do exploits? If you know your God, you will be strong, because you know that He is God, the Creator of heaven and earth.

Kaya kailangan natin maging spiritually, physically, emotionally, and mentally strengthened. Not for pride. Not for selfish gain. But for the work of God. Para sa harvest. Para sa mga kaluluwa.

Our theme is because of the harvest, and the harvest is because of souls. Lahat ng ginagawa natin ay dahil sa kaluluwa. Kaya kailangan nating maging handa. Kailangan nating maging malakas. Kailangan nating maging whole.


A Church That Attracts People

Kung ang Panginoon ang nagdadagdag ng mga kaluluwa, kailangan din nating maging responsable sa paglago. We must pray, but we must also work. We must worship, but we must also think. We must have strategies.

We must be a church that attracts people. Hindi dahil sa gimmick, kundi dahil may presensya ng Diyos, may apoy ng Holy Ghost, may pag-ibig, may kaayusan, may buhay, at may tunay na pagsamba.

May mga tao na dapat mahila sa bahay ng Diyos. May mga winnable people na maaaring mawala kapag mali ang strategy. Kaya kailangan nating humingi ng karunungan sa Panginoon. Iba-iba ang lugar, iba-iba ang tao, iba-iba ang kailangan.

Pero without Him, we are nothing. Tingnan natin kung ano ang ginawa ng Panginoon sa atin. Look what the Lord has done.

Kung itataas natin si Jesus, Siya mismo ang hihila sa mga tao.

“And I, if I be lifted up from the earth, will draw all men unto me.”

John 12:32

The greatest soul-winning strategy is still this: lift up Jesus. Sa worship natin, sa prayer natin, sa preaching natin, sa buhay natin, itaas natin ang Panginoong Jesus Christ.


Lord, Make Me Whole Today

Ang mundo ngayon ay wala sa ayos. Maraming pangyayari sa paligid natin na nagpapakita na kailangan nating lumapit sa Panginoon. Hindi tayo dapat madala ng ingay, takot, at kaguluhan. Kailangan nating ituon ang ating puso sa Diyos.

Today, the Lord is asking again:Wilt thou be made whole?

Gusto mo bang gumaling? Gusto mo bang maging buo? Gusto mo bang ayusin ng Diyos ang buhay mo? Gusto mo bang hipuin Niya ang katawan mo, kaluluwa mo, espiritu mo, pamilya mo, finances mo, kaisipan mo, at paglilingkod mo?

Start saying it to the Lord:

Lord Jesus, I want to be made whole. Gusto kong maging buo ngayon. Nakikita Mo ang aking pangangailangan, both physically and spiritually, mentally, socially, financially, and materially. You know everything in me.

Make me whole today, in Jesus’ name.

Hallelujah. Lift Him higher. Worship the Lord. The Lord is here, and He is able to make you whole.

This post is licensed under CC BY 4.0 by the author.